May mga pagkakataon na walang pasok ang anak kong si Aimee Chris. Sa mga ganitong pagkakaton ay palage siyang may nagagawang proyekto mula sa kanyang aklat na bigay ni mama "Lumikha ng Kuwento, Tula, at Laruang Pambata". Nakakatuwa dahil nakikita ko ang pagiging ma;likhain ng aking anak.
Eto ang knyang pinakahuling proyekto, ang BASKET BOX
MGA KAILANGAN:
kahon ng sapatos
bond paper
krayola o pentel pen
gunting
lumang dyaryo
PAANO GAGAWIN:
- lagyan ng dibuho ng mukha ang ilalim ng kahon. Lakihan nang husto ang bibig.
- Alisin ang tabi ng kahon na nasa ilalim ng bibig.
- Idikit sa dingding ang kahon.
- Lukutin ang lumang diyaryo para magsilbing bola.
- Tangkaing ma-shoot sa bibig ang nilamukos na papel.
- Pulutin ang kalat matapos maglaro.
No comments:
Post a Comment