Tuesday, February 23, 2010

pagmamasid, ikatlong yugto...


Ako ay Super addict sa Photography...
kahit simpleng rules lang ang alam ko mula sa training ng smartschools program. 
may isa na naman akong obra... 
bunga na naman ng pagiging social scientist ko. 
Isang araw na napagawi ako kasama ni ma'am rowesa mendoza sa tagaytay city, hall of justice upang magpagawa ng affidavit... 

Akala ko eh pormal ang mga judge...

Ngayon naman eh humihingi ako ng paumanhin kay Judge.   

Hayaan bang parang txt o sms ang signage ng pangalan nya sa kanyang opisina...

Sabi nga, we are in a democratic country  
 
 
JUDGE TOM TORNEROS JR.

Ibang level ka! 

Jeprox!


Sunday, February 21, 2010

PUTO BUMBONG


My official Sunday breakfast!
Akala nila eh  tuwing christmas lang meron nito.  Dito sa men eh meron,  every Sunday sa palengke. I love it with coffee and Muscovado. Instead of putting ordinary sugar on it. Grabe! Makakalimutan mo pangalan mo.

Saturday, February 20, 2010

BASKET BOX

Nais ko lang ibahagi...


May mga pagkakataon na walang pasok ang anak kong si Aimee Chris. Sa mga ganitong pagkakaton ay palage siyang may nagagawang proyekto mula sa kanyang aklat na bigay ni mama "Lumikha ng Kuwento, Tula, at Laruang Pambata". Nakakatuwa dahil nakikita ko ang pagiging ma;likhain ng aking anak.
Eto ang knyang pinakahuling proyekto, ang BASKET BOX


MGA KAILANGAN:
kahon ng sapatos
bond paper
krayola o pentel pen
gunting
lumang dyaryo


PAANO GAGAWIN:


  1. lagyan ng dibuho ng mukha ang ilalim ng kahon. Lakihan nang husto ang bibig.
  2. Alisin ang tabi ng kahon na nasa ilalim ng bibig.
  3. Idikit sa dingding ang kahon.
  4. Lukutin ang lumang diyaryo para magsilbing bola.
  5. Tangkaing ma-shoot sa bibig ang nilamukos na papel.
  6. Pulutin ang kalat matapos maglaro.