After a decision of a case in a judicial court... mix feelings!
May masaya kung naaayon sa kagustuhan nila ang naging desisyon.
Pero...
Cno ba talaga ang naapi, ang nasasakdal o ang nagsakdal?
Ang mga taong argabyado, lumalapit sila sa kinauukulan tulad ng barangay, pulis o hukuman para ipaglaban ang kanilang karapatan.
Nakakapagod...
Nakaka-stress ang nasa ganitong sitwasyon.
Paulit ulit ang tanong, ang pagsasalaysay kung ano ang nangyari.
Kung alam nyo lang. Kaya naiintindihan ko ang mga taong iniuurong ang kaso sa kabila ng sila ang tama...
Mas pinili ang katahimikan ng buhay.
Kapag may desisyon na, ang nagiging masama ay ang nagsakdal. Bakit niya isinuplong o inihabla.. hindi siya marunong magpatawad, hindi nya mabibigyan ng pagkakataon ang taong ikukulong o mapaparusahan na makapamuhay ng normal at makapagtrabaho, hindi binigyan ng pagkakataon na magbago.
Nakakaloka!
Hindi mo na rin malaman kung ano ang tama at mali...
No comments:
Post a Comment