Tuesday, June 21, 2011
Monday, June 20, 2011
Bayong
June 18, 2011.
Ang unang araw ko bilang isang mag-aaral. Isang nagbabalik-aral sa graduate school makalipas ang maraming taon.
Kainis! Wala pa daw kaming klase, ibinigay lamang ang aming official receipt, mga class cards at registration form. Sa susunod na sabado na lamang daw.
Sayang ang pamasahe, ang pagod at ang paggising ng sobrang aga para makarating sa tamang oras sa Cavite State University.
Pero ayos na rin dahil kung hindi ako pumasok ay hindi ko makikita ang kakaibang kultura ng mga taga-Indang sa pamamalengke na sobra ko ikinatuwa. Lahat ng nakasakay ko sa jeep na mamamalengke... Lahat sila ay naka-BAYONG! Hindi na bago ang bayong pero dito ko lang nakita na ang lahat ay bayong ang bitbit sa pamamalengke. Walang may dala ng basket o plastic bag.
Bongga!Sobrang environment friendly.
May ordinansa kaya sa Indang, Cavite na ang lahat ay kinakailangang bayong ang gagamitin sa pamamalengke?
Malalaman...

Bongga!

Sunday, June 12, 2011
SM Dasma Freedom Sale 2011
Philippine Independence Day 2011
Isang pagkakataon para makabili ng mga kailangan sa mas mababang halaga... Sale! Wag lang maging impulsive buyer.
Nakakatuwa rin na may mga display ng mga makasaysayang lugar kaugnay ng paglaya ng Pilipinas. Natuwa ako kase nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagpa-picture dito at nakakahiya mang aminin, hindi pa ako nakakarating sa mga lugar na ito lalo na sa bahay ni Gen. Emilio Aguinaldo. Taga-Cavite pa naman ako! Sana makarating ako sa lalong madaling panahon.
Subscribe to:
Posts (Atom)