Monday, May 30, 2011

Our First 3D Movie Experience

Kungfu Panda 2 @ SM Dasma, May 30, 2011
Bongga ang experience na ito wearing the 3D glasses!
Kahit di ko napanood ang unang Kungfu Panda, Thumbs up pa din to!
May Part 3 for sure, base sa ending.

Friday, May 20, 2011

PRC License Renewal

Ang aking bagong  PRC License...
...pagkatapos ng dalawang taon na expired ang aking lisensya. 
sabi ko nga, pwede ako sampahan ng kasong "teaching without license".
Ayokong mag-renew dahil hindi ko maintindihan ang kahalagahan nito..
Oo, nagagamit ko siya bilang valid ID pero maliban doon, wala na! Siguro dahil hindi pa naman ako np-promote kaya hindi hinahanap o hindi nagagamit bilang requirements.
Saan ba napupunta ang ibinabayad ng mga guro sa pag-renew ng lisensya? Meron ba? baka naman hindi ko lang alam, hindi ko maramdaman bilang isang Professional Teacher.
Hindi ba pwedeng tama na yung ibinayad namen sa pagkuha ng board exam, oath taking at registration as professional teacher at wala na expiration ang aming ID?





Light Rail Transit

Way back in my college years, ang alam ko lang na bilang ng LRT station ay 18...
Nakalagay pa ito sa Pinoy Trivia ni Bong Barrameda.
21 LRT station na pala ngayon!

Nalaman ko lamang ito nang sumakay ako ng LRT nang mag-renew ako ng aking PRC License.

Naalala ko.. noong 1st year college ako, kapag nawala ang LRT, hindi ko na alam kung paano makakauwe ng Amadeo. Token pa dati ang gamit at hindi magnetic card.

Bawal Daw!

ang mga Pilipino talaga...
ito ay larawang kuha sa EDSA-Taft Rotonda.

Sunday, May 15, 2011

Gamugamo

Ayon sa WIKIPEDIA...
Ang gamu-gamo o gamugamo (moth sa Ingles) ay isang insektong malapit na kamag-anak ng paruparo. Panggabi ang karamihan sa mga ito, subalit mayroon ding gising tuwing madaling-araw at dapit-hapon at maging mga aktibo sa umaga at tulog sa gabi. Kabilang dito ang mga uri lumilipad-lipad sa paligid ng apoy na tinatawag ding langgam na lumilipad.


Madalas ngayong summer vacation ang gamugamo dito sa aming bahay.  Mula pa sa aking pagkabata hindi ko na nagustuhan ang pagkakaroon ng gamugamo sa paligid kaya kapag nakakita ka daw nito i-off ang mga ilaw at huwag mo papansinin o babatiin kase lalo daw dadami. Sabi din nila kapag umuulan at nagkaroon ng gamugamo, titigil na daw ang ulan.  Totoo ba ito? hindi naman eh!

Thursday, May 12, 2011

Sumbang-tae


Bagong kaalaman para sa akin!
Nakilala ko ang insektong ito sa bahay nina Sir Jayson, Despedida ni Ma'am Jammie.
Natawa ako nong narinig ko ang pangalan nya.
Ayon sa aking paghahanap at pagbabasa sa internet, ito ay salita o tawag na nagmula sa Batangas.
Isang Insekto, Dung Beetle sa ingles
Scientific Name: Onthophagus gazella

Tuesday, May 10, 2011

McDonald's Kiddie Crew Workshop Graduation Day Batch 2011



May 10, 2011 @ McDonald's Olivarez

Awards Received

Darline Luzette R. Panganiban: Best in Counter and Best in Talent 
Aimee Chris R. Panganiban: Best in Counter

Sunday, May 8, 2011

Mother's Day 2011



Pampering Day for me and my mama!
Gala sa SM Dasma, Lunch @ Max's and  pa-beauty sa Freshaire

Saturday, May 7, 2011

with the Recon, my other side


seeing each other after more than 25 years
@ Saimsim, Balete, Batangas

Thursday, May 5, 2011

Gala Mode in Makati City



Itenerary:
HDMF, Makati Avenue and Prudential Life Plan Inc., Gamboa Street

What a day!
Sa bus pa lng from Palapala, Dasma-Ayala, nahuli ng MMDA.

Pagbaba sa Ayala, sarado pa mall kya sa labas kme nglakad going to Prudential. Pagdating don ang sabi ng guard eh nag-transfer daw s kabilang building.. lakad na naman! Exercise e2.

Going to HDMF, mega sakay ng jeep, pagdating don e2 n nman c guard, ng-transfer din daw sa Gil Puyat dhil s nagkaproblema ung building. Hay! d aq updated sa News!!!

http://www.noypi.ph/index.php/metro/3731-no-major-structural-faults-seen-in-makati-building-housing-pag-ibig-main-office.html

Hnde q lam kung san un, buti at may shuttle papunta don.
Pagdating don, naku! Kainis! Walang sistema ang mga pila sa pagkuha ng statement of account at pag-issue ng PDC. Buti at nakuha q s diskarte, liksi at charm.. in 30minutes, finished!

Paglabas ng Justine Building, we saw Ton Tapang of Nescafe, pa-picture at instant may entry kame 4 their contest. Pwede kame manalo ng Ipad. Yehey! Ang problema.. pano ba ang pagbalik sa Ayala Mall? Ride na lang sa taxi!

gala mode na talaga...
kaso pati Glorietta 4, under renovation, don sa part ng National Bookstore. Kainis!


Sa pag-uwe, kainis ang bus! GUs2 q tanungin ang driver, ARE YOU IN A RACE? Gus2 q xa ireklamo! Bongga magpasakay ng pasahero, super bilis at kapag time na bumaba ng pasahero, kulang na lang itulak o ihulog pababa.

Sa kabuuan, masaya pa din!!!