Saturday, November 26, 2011

BABALA

Isang babala...
Nais q lng po ipaalam s inyo n my gumagamit ng aking pangalan at identity ko(na isang guro, taga-Cavite, etc.) upang manloko ng mga tao. Hindi po aq online seller, hindi aq konektado s eBay o anumang online business..

Thursday, October 6, 2011

UNESCO ASPnet Seminar Workshop

View all
Get your own

More than the seminar workshop, it became an opportunity for me to see my professors in college and my classmates in Philippine Normal University.

Friday, September 16, 2011

tcsnhs science & astrocamp 2011


tcsnhs Science Department... saludo aq sa inyo!
Bongga.. super educational.. siksik sa activities para sa ating mga mag-aaral. Sulit!
salamat sa staff ng astrocamp sa mga larawan ng araw at buwan na kuha mula sa aking camera.

Saturday, August 6, 2011

CVSU OGS/OLC Orientation Program

Maliban sa orientation program, isa rin itong pagkakataon para sa amin para magka-bonding at mas makilala pa ang isa't isa. Saya!!!

Wednesday, July 20, 2011

red cross

Hindi ko ugaling magbigay sa mga namamalimos o humihingi ng donasyon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang ibigay ang tiwala ko sa kanila maliban sa RED CROSS. Siguro dahil kina Bb. Rosa Rosal at G. Richard Gordon.
Kaya sa tuwing magagawi ako sa Maynila o Makati at sasakay sa MRT, hindi ko nakakalimutang maglagay sa donation box nila kahit na sa kaunting halaga lamang.
Sana balang araw ay makabilang ako bilang volunteer nila o maging blood donor man lang...

Thursday, July 14, 2011

Ekonomiks - kabanata 2

Presentasyon ng aking klase sa ekonomiks 2011-2012
Paksa: EBOLUSYON NG EKONOMIKONG LIPUNAN
Startehiya: Tableau o tinawag namin itong "SHOW ME A PICTURE"

Tuesday, June 21, 2011

Ika - 73 Kaarawan ng Tagaytay


Not feeling well pa din, pero kelangang dumalo sa pagdiriwang na ito.
Isang misa na ginanap sa MOther of Fair LOve, City Hall Chapel at pagkatapos ay ang blessing/inauguration ng bagong Library at Museum ng Tagaytay.

Monday, June 20, 2011

Bayong

June 18, 2011.
Ang unang araw ko bilang isang mag-aaral. Isang nagbabalik-aral sa graduate school makalipas ang maraming taon.


Kainis! Wala pa daw kaming klase, ibinigay lamang ang aming official receipt, mga class cards at registration form. Sa susunod na sabado na lamang daw. 

Sayang ang pamasahe, ang pagod at ang paggising ng sobrang aga para makarating sa tamang oras sa Cavite State University.


Pero ayos na rin dahil kung hindi ako pumasok ay hindi ko makikita ang kakaibang kultura ng mga taga-Indang sa pamamalengke na sobra ko ikinatuwa. Lahat ng nakasakay ko sa jeep na mamamalengke... Lahat sila ay naka-BAYONG! Hindi na bago ang bayong pero dito ko lang nakita na ang lahat ay bayong ang bitbit sa pamamalengke. Walang may dala ng basket o plastic bag. 

Bongga! 
Sobrang environment friendly. 
May ordinansa kaya sa Indang, Cavite na ang lahat ay kinakailangang bayong ang gagamitin sa pamamalengke?
Malalaman...

Sunday, June 12, 2011

SM Dasma Freedom Sale 2011

Philippine Independence Day 2011
Isang pagkakataon para makabili ng mga kailangan sa mas mababang halaga... Sale! Wag lang maging impulsive buyer.
Nakakatuwa rin na may mga display ng mga makasaysayang lugar kaugnay ng paglaya ng Pilipinas. Natuwa ako kase nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagpa-picture dito at nakakahiya mang aminin, hindi pa ako nakakarating sa mga lugar na ito lalo na sa bahay ni Gen. Emilio Aguinaldo. Taga-Cavite pa naman ako! Sana makarating ako sa lalong madaling panahon.

Monday, May 30, 2011

Our First 3D Movie Experience

Kungfu Panda 2 @ SM Dasma, May 30, 2011
Bongga ang experience na ito wearing the 3D glasses!
Kahit di ko napanood ang unang Kungfu Panda, Thumbs up pa din to!
May Part 3 for sure, base sa ending.

Friday, May 20, 2011

PRC License Renewal

Ang aking bagong  PRC License...
...pagkatapos ng dalawang taon na expired ang aking lisensya. 
sabi ko nga, pwede ako sampahan ng kasong "teaching without license".
Ayokong mag-renew dahil hindi ko maintindihan ang kahalagahan nito..
Oo, nagagamit ko siya bilang valid ID pero maliban doon, wala na! Siguro dahil hindi pa naman ako np-promote kaya hindi hinahanap o hindi nagagamit bilang requirements.
Saan ba napupunta ang ibinabayad ng mga guro sa pag-renew ng lisensya? Meron ba? baka naman hindi ko lang alam, hindi ko maramdaman bilang isang Professional Teacher.
Hindi ba pwedeng tama na yung ibinayad namen sa pagkuha ng board exam, oath taking at registration as professional teacher at wala na expiration ang aming ID?





Light Rail Transit

Way back in my college years, ang alam ko lang na bilang ng LRT station ay 18...
Nakalagay pa ito sa Pinoy Trivia ni Bong Barrameda.
21 LRT station na pala ngayon!

Nalaman ko lamang ito nang sumakay ako ng LRT nang mag-renew ako ng aking PRC License.

Naalala ko.. noong 1st year college ako, kapag nawala ang LRT, hindi ko na alam kung paano makakauwe ng Amadeo. Token pa dati ang gamit at hindi magnetic card.

Bawal Daw!

ang mga Pilipino talaga...
ito ay larawang kuha sa EDSA-Taft Rotonda.

Sunday, May 15, 2011

Gamugamo

Ayon sa WIKIPEDIA...
Ang gamu-gamo o gamugamo (moth sa Ingles) ay isang insektong malapit na kamag-anak ng paruparo. Panggabi ang karamihan sa mga ito, subalit mayroon ding gising tuwing madaling-araw at dapit-hapon at maging mga aktibo sa umaga at tulog sa gabi. Kabilang dito ang mga uri lumilipad-lipad sa paligid ng apoy na tinatawag ding langgam na lumilipad.


Madalas ngayong summer vacation ang gamugamo dito sa aming bahay.  Mula pa sa aking pagkabata hindi ko na nagustuhan ang pagkakaroon ng gamugamo sa paligid kaya kapag nakakita ka daw nito i-off ang mga ilaw at huwag mo papansinin o babatiin kase lalo daw dadami. Sabi din nila kapag umuulan at nagkaroon ng gamugamo, titigil na daw ang ulan.  Totoo ba ito? hindi naman eh!

Thursday, May 12, 2011

Sumbang-tae


Bagong kaalaman para sa akin!
Nakilala ko ang insektong ito sa bahay nina Sir Jayson, Despedida ni Ma'am Jammie.
Natawa ako nong narinig ko ang pangalan nya.
Ayon sa aking paghahanap at pagbabasa sa internet, ito ay salita o tawag na nagmula sa Batangas.
Isang Insekto, Dung Beetle sa ingles
Scientific Name: Onthophagus gazella

Tuesday, May 10, 2011

McDonald's Kiddie Crew Workshop Graduation Day Batch 2011



May 10, 2011 @ McDonald's Olivarez

Awards Received

Darline Luzette R. Panganiban: Best in Counter and Best in Talent 
Aimee Chris R. Panganiban: Best in Counter

Sunday, May 8, 2011

Mother's Day 2011



Pampering Day for me and my mama!
Gala sa SM Dasma, Lunch @ Max's and  pa-beauty sa Freshaire

Saturday, May 7, 2011

with the Recon, my other side


seeing each other after more than 25 years
@ Saimsim, Balete, Batangas

Thursday, May 5, 2011

Gala Mode in Makati City



Itenerary:
HDMF, Makati Avenue and Prudential Life Plan Inc., Gamboa Street

What a day!
Sa bus pa lng from Palapala, Dasma-Ayala, nahuli ng MMDA.

Pagbaba sa Ayala, sarado pa mall kya sa labas kme nglakad going to Prudential. Pagdating don ang sabi ng guard eh nag-transfer daw s kabilang building.. lakad na naman! Exercise e2.

Going to HDMF, mega sakay ng jeep, pagdating don e2 n nman c guard, ng-transfer din daw sa Gil Puyat dhil s nagkaproblema ung building. Hay! d aq updated sa News!!!

http://www.noypi.ph/index.php/metro/3731-no-major-structural-faults-seen-in-makati-building-housing-pag-ibig-main-office.html

Hnde q lam kung san un, buti at may shuttle papunta don.
Pagdating don, naku! Kainis! Walang sistema ang mga pila sa pagkuha ng statement of account at pag-issue ng PDC. Buti at nakuha q s diskarte, liksi at charm.. in 30minutes, finished!

Paglabas ng Justine Building, we saw Ton Tapang of Nescafe, pa-picture at instant may entry kame 4 their contest. Pwede kame manalo ng Ipad. Yehey! Ang problema.. pano ba ang pagbalik sa Ayala Mall? Ride na lang sa taxi!

gala mode na talaga...
kaso pati Glorietta 4, under renovation, don sa part ng National Bookstore. Kainis!


Sa pag-uwe, kainis ang bus! GUs2 q tanungin ang driver, ARE YOU IN A RACE? Gus2 q xa ireklamo! Bongga magpasakay ng pasahero, super bilis at kapag time na bumaba ng pasahero, kulang na lang itulak o ihulog pababa.

Sa kabuuan, masaya pa din!!!

Tuesday, April 26, 2011

GISING PHILPOST Amadeo, Cavite!!!

Hay!

Super excited aq ng sbhin sa akin ni lola Aureng na may mga dumating ako na mga sulat.

Nang makita ko...Pagkadismaya ang aking naramdaman!Naitanong ko..GAANO NA BA KATAGAL BAGO MAKARATING ANG ISANG SULAT MULA SA SERBISYO NG KOREO?

Tiningnan ko tuloy ang website nila. Eto ang sabi...

Ordinary Mail

Kasama ang lahat unrecorded item mail na kung saan ay sisingilin sa mga basic rate selyo at inihatid sa pamamagitan ng regular na mga channels sa paghahatid.



Business Mail

Ang bawat item na nai-post ay magdadala ng mga salita "BUSINESS MAIL" at indicia na nauukol sa mga permit na ipinagkaloob, kabilang Mangolekta-On-Delivery (bakalaw) Serbisyo.Mail item posted sa ilalim ng permit na inisyu, alinman sa 1, 2 o 3 Class Mail Permit, PCA Bulk Pre-Inayos, at Meter Permit, kabilang ang mga na sakop ng Memoranda ng Kasunduan, Kontrata, at ang gusto.



Registered Mail

Ang nagpadala ay maaaring rendahan ang paghahatid sa pamamagitan ng na nagpapahiwatig ng mga salitang "Inihatid Upang Addressee Only" sa balutin.Bilang patunay ng paghahatid, ang mga nagpadala ay maaaring maglakip ng registry resibo bumalik na pinirmahan ng tatanggap at ang oras ng delivery.Mail na ibinibigay espesyal na seguridad, may mga item na naitala mula sa pagtanggap sa paghahatid sa mga addressee.

mula sa pahina ng --http://philpost.gov.ph/web/products-services/



walang eksaktong nabanggit. pero kung lilimiin ang mga pangungusap, sabi, inihahatid sa pamamagitan ng REGULAR na mga channels sa paghahatid. e alam ko araw-araw dumadating ang sasakyan ng Philpost sa munisipyo ng Amadeo ah.

Alam ko panahon na ngayon ng electronic mail pero may mga mahahalagang papeles, mga bills na kinakailangn pa ring ipadala sa pamamagitan ng Serbisyo ng KOreo o snail mail.



Hay kainis!!!! Ok lang kung huli lng ng isang araw o dalawa ang pagdadala pero... mga sulat mula NOBEYEMBRE 2010 hanggang ABRIL 2011.

Tama ba un? Grabe kayo! Sinuswelduhan kayo ng pamahalaan tapos ganyan kayo!

Monday, April 18, 2011

@ flavours of china


SM - Dasma
1st time.
sulit! sarap!
bottomless ice tea and unlimited yang chow rice